Lunes, Mayo 21, 2012
Dahil May Isang Ikaw
Itong serye na ito ay isa sa pinakapaborito kong serye na napanood sa telebisyon. Sa katunayan hindi naman talaga ako nanonood ng mga serye pili lang kapag gusto ko ang mga gaganap. One of my favorite ay yung tambalang EchoTin kaya naman nung magbalik tambalan sila hindi ko pinalagpas tong serye na to na mapanood at matapos hanggang huli. Idadag pa natin ang tambalang Lorna at Gabby, marami na rin akong napanood na pelikula ng dalawang ito noon at masasabi kong isa ito sa mga natatangi at hindi matutumbasang pagganap ng bawat isa. Sinaliwan pa ito ng ilang magagaling na aktor at aktres ng dekada. Nariyan sina Lorna Tolentino, John Estrada, Gabby Conception, Chin Chin Gutierrez, Karylle at Sid Lucero. At dahil magagaling ang mga nagsipag-ganap hindi rin maitatago ang pagkakanomina nito sa iba't ibang klase ng mga parangal. Isa itong istorya ng pagiibigan ng dalawang magkaibang henerasyon. Sobrang nakakamangha ang bawat pagganap ng bawat isa sa kanila. Isa rin sa mga dekalibreng serye na inihahandog sa atin ng ABS CBN. Jericho plays the best of him when it comes in acting talaga ganun din naman si Kristine. Kumbaga sa takilya tumabo ang tambalan nila. Kumpletong chemistry at hindi mo iisiping trabaho lang ang lahat. Ngunit hindi naman lingid sa ating kaalaman na naging magkasintahan sila sa tunay na buhay nakabuti naman naman ito sa takbo ng kanilang karera at maluwag na tinanggap ng mga manonood at hindi rin namang maikakaila na minahal at niyakap sila ng publiko. Masasabi ko rin na tumatagos sa puso ang bawat eksena sa loob ng serye na to, may part pa na talaga namang maiiyak ka at madadala ka sa bawat eksena. Ang maganda sa serye ng ABSCBN ay hindi nila nakakalimtan ang pagpapahalaga sa tunay na pagibig sa kapwa. Isa lamang sila sa mga huwaran at hindi matatawarang artista ng dekada na talaga namang tumatatak sa mga puso ng mga manonood. Naniniwala ako na ang tagumpay ng isang proyekto ay wala sa mga taong nasa likod nito kung hindi sa mga taong walang sawang tumatangkilik at naniniwala sa kanila. Mabuhay!
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)