Sabado, Hunyo 9, 2012

Way Back Home


Ang pelikulang ito ay isa sa nagbibigay inspirasyon sa lahat ng mga manonood. Noong una akala ko isa itong boring at simpleng love story ng mga teens nagkamali ako. Tungkol ito sa isang pamilya, pangarap, pagmamahal at pagpapahalaga.Ang Way back home ay pinagbibidahan ng dalawang baguhang aktres na may nais patunayan sa lahat. Halos nasubaybayan ko ang paglaki nilang dalawa, mula sa Going Bulilit, Mara Clara Remake at ngayon isang pelikulang talaga naming susukat sa galing ng indibidwal na talent at dedikasyon sa trabaho. Pinagbibidahan ito nina Julia Montes at Katherine Bernardo, idagdag pa natin ang mga ilan sa mahuhusay na actor at aktres ng industriya Tonton Gutierrez, Agot Isidro at Lotlot De Leon. Isang pelikulang umantig sa aking puso bilang isang manonood at kapatid. Ito kasing pelikulang ito ay tungkol sa isang magkapatid na nagkahiwalay ang matagal at isang anak na hindi na nabigyan ng pansin dahil sa pagkawala ng kanyang kapatid. Pagpapakita ng pagmamahal ng isang anak sa isang ina ngunit hindi napapansin ng kanyang ina dahil lagi na lamang nito dinadamdam ang pagkawala ng isa pa niyang anak. Higit sa lahat sinisisi niya ang kanyang panganay na anak (Julia) sa pagkawala nito (Katherine) na mahabang panahing binagbayaran ni Julia dahil sa kawalan ng atensiyon ng kanyang ina sa kanya. Lagi na lamang nito pinagtutuunan ng pansin ang nawawalang anak at hindi na napahahalagahan ang natira pa niyang anak. Laging nagdadasal si Julia na makita na nila ang kanyang kapatid ng sa gayon ay maging Masaya na ulit at mapansin na siya ulit ng kanyang mommy. Ngunit mali ang kanyang akala, ng mahanap na ang kanyang kapatid lalo niyang naramdaman ang kakulangan ng atensiyong ibinibigay sa kanya ng kanyang mga magulang, especially her mom. Dito sa mga eksena na to, nakakaawa talaga si Julia. Akala ko noon hindi magaling umarte si Julia Montes dahil ang totoo hindi talaga ako nanonood ng Mara Clara nila pero sinubukan ko at binigyan ng pagkakataon silipin ang kaledad ng pag-arte nito. Si Katherine naman alam ko na mahusay siya sa drama yun nga lang hindi nawawala ang kinang ng kanyang mga mata kaya kahit umiiyak na siya hindi mo magawang maawa ng sobra kasi parang laging naka-ngiti ang mga mata. Siyempre bilang isang artista tungkulin niyang gawin kung anong dapat ang hinihingi ng mga manonood. Magaling na artista naman si Katherine at siguradong may ibibigay pa siya para sa mga manonood. Si Julia Montes sa tingin ko lahat ng role na ibigay mo sa kanya  nababagay naman. Kapag kilig moments, iyakan moments. Masungit moment bagay sa kanya at kayang kaya niyang dalhin. Sobrang naiyak ako sa eksena nilang dalawa ni Agot Isidro ditto, yung ramdam ko siya sa pagarte at pagiyak. Hanga rin ako sa pagganap niya bilang isang may asawang babae sa serye niyang Walang Hanggan, alam ko malayo pa ang mararating ng mga batang artista na ito. Unang pelikula pa lamang naman nila at alam kong marami pang pagkakataon at proyekto ang maibibigay sa kanila. 

Huwebes, Hunyo 7, 2012

Sa'yo Lamang

Itong pelikula na to isa sa mga heart breaking movie talaga from starcinema also. Hindi ako magtataka kung bakit napakaganda ng pelikulang ito isa ito sa direksyon ni Laurice Guillen, siya rin ang direktor ng Tanging Yaman. Ang pelikulang ito ay pinagbibidahan nina Mr Christopher De Leon bilang Franco, Lorna Tolentino bilang Amanda, Bea Alonzo, Coco Martin, Enchong Dee, Miles Ocampo, Shaina Magdayao at Empress Schuck. Hindi ako nag-doubt na maganda tong movie na to, ang mga bida palang bigatin na galing sa iba't ibang henerasyon. Andiyan si Christopher and Lorna na talaga namang hindi matatawaran ang galing sa pagarte. Napanood ko rin ang ilang pelikula nila together kaya naman ng magbalik tambalan, natuwa ako. Bea Alonzo and Coco Martin sobrang gagaling ng mga to hindi binibigo nito ang mga manonood sa kung anong dapat nilang makita. Halos lahat magagaling kaya naman masasabi kong isa ito sa maipagmamalaking pelikula ng bansa. Inilalarawan dito ang pagmamahal sa pamilya, sa kapwa at sa diyos na hindi dapat nating makalimutan bilang aral sa pelikula. Si Lorna ang ilaw ng tahanan at si Bea ang panganay na anak. Bawat eksena at linyang bibitawan ng dalawang batikan na aktres ay pinapahanga ako, yung tipong wala kang itatapon sa bawat eksena. Si Bea bilang si Dianne na isang panganay na anak na tumayong katuwang ng kanyang ina ay sobra sobra ang pagkamuhi sa kanilang ama na si Christopher at sobra sobra ring nalungkot sa pagkakasakit at pagkamatay ng kanyang ina rito.. Si Coco Martin bilang si Coby na isang anak na gustong masunod ang sariling pangarap at hindi lamang sa kagustuhan ng kanyang ate(Bea) na nagpapaaral sa kanya, si Enchong bilang isang masuniring anak at kapatid na sa sobrang na sa sobrang takot ma-disappoint ang kanyang ate at ina ay nakagawa ng isang malaking pagkakamali at si Empress bilang isang anak sa pagkakamali ni Lorna ay nagampanan din niya ang napakaigsing eskena sa nakahusay na pagkakaganap. Shaina Magdayao bilang isa sa love interest ni Coby na aksidenteng nagkaroon sila ng anak, ever since na umarte to, mararamdaman mo yung karakter, kahit anong karakter ang ibigay mo sa kanya, pwede! Sobra sobra ang galing dito ni Lorna Tolentino, naubos ang luha ko dito habang pinapanood ko to. Hindi maikakaila na isa siya sa pinakamagaling at pinakamaganda sa industriya. Bilang isang manonood ang bawat eksena rito ay nagawa ng walang labis at walang kulang na sinasabi when it comes in acting, sobrang gagaling ng mga artista. Ito yung pelikula na patungkol sa isang pamilyang ninanais mabuo ulit, iba't ibang karakter iba't iba rin ang kalidad ng pag-arte. Isa ito sa mga pelikulang sobrang appreciated ko from the whole cast, writers, director and crews! Sobrang galing!

Miyerkules, Hunyo 6, 2012

BORN TO LOVE YOU


Ito na ang bagong bagong pinagkakaguluhan sa lahat ng sinehan ngayon. Masayang Masaya akong nagpunta sa red carpet premiere nito. Umaapaw ang mga naglalakihang bituin ng Indusriya. Sobrang Masaya ako kasi unang pagkakataon kong pumunta ng premiere night dahil gusto gusto ko talaga ang kalidad ng pag-arte ni Mr. Coco Martin at dahil unang pelikula niya ito sa Mainstream ay hindi ko talaga pinalampas ang premiere night. Hindi naman ako nabigo sa sobrang ganda ng pelikula na to. Hindi kailangan ng maraming back up artist para mas kiligin sa mga kilig moments, sa mga iyakan moments at sa tawanan moment. Ang Born To Love You ay pinagbibidahan nina Coco Martin at Angeline Quinto. Ito na nga ang kauna-unahang pelikula ng kauna-unahang STAR POWER na si Angeline bagamat pinagdudahan ng marami ang pelikulang ito na hindi daw maganda dahil siya ang katambal at masasayang lang daw dahil hindi kikita dahil baguhan ito sa pag-arte NAGKAMALI ang mga nakararaming mapanghusgang mga tao at kritiko ng indusriya. Ako man ay nagkaroon ng kaunting duda pero dahil si Coco Martin ang gumagabay sa pagarte nito sa bawat eksena nakuha agad ang tiwala ko na maganda ang kalalabasan ng bawat eksena. Hindi nga ako nagkamali, bawat eksena dito wala kang itatapon, ako kasi hati yung mga emotions ko nandun yung pagtingin kung tama ang bawat batuhan ng eksena with Coco, nandiyan yung tawa ako ng tawa  sa bawat patawa ni Angeline, malulungkot ka dahil sa sitwasyong meron ang bawat karakter, kikiligin ka na parang effortless lang sa dalawa yung pagpapakilig at higit sa lahat hanggang matapos ang pelikula wala akong masabi kung hindi ang GALING ng bawat isa, not just Coco Martin si Coco alam naman natin given na magaling iyan pero aminin ko inaantay ko talaga yung kakaibang Coco dito sa pelikula na to at hindi naman ako nabigo dun. Si Angeline naman ang galing galing para sa isang first timer sa pagarte, hindi ko inaasahan lahat ng pinakita niya dito sa pelikula. HAVEY na HAVEY kumbaga. Ito yung story ng dalawang simpleng tao na may magkaibang istorya ng buhay. Si Angeline bilang Joey ay larawan ng isang simpleng babae na ginagawa ang lahat para sa pamilya at minsang magdesisyon para sa sarili yun ang magmahal, kaya naman handa niyang gawin ang lahat para sa taong minamahal. Si Coco Martin bilang Rex galing sa isang broken family na pinilit maging masaya ngunit hindi niya ito nakamit ng walang pagpapatawad sa mga nakasakit sa kanya. Aside from them the other character is so good like Eula Veldez, Albert Martinez, Kiray and Eda. Ito yung pelikulang hindi mo na kailangan lagyan pa ng iba’t ibang magagaling at kilalang artista sa industriya kahit si Coco and Angeline lang magandang maganda na, sa totoo lang ang buong scene ay sa kanilang dalawa back up nalang yung family. Masaya ako para sa tagumpay nila, hindi biro ang gumawa ng isang pelikula sabihin man ng ibang tao na common ang story well sorry but its not. Isa sa pinakapaborito kong scene dito ay yung “Tren Scene” nila, sobrang sweet na hindi korni parang natural na natural lang ang eksena dito (actually halos naman super natural lang). Siyempre napakagaling din ng director nito na si Direct Jerome Chavez Pobocan, hindi niya pinabayaan ang dalawang bida Marami kasi akong napanood na pelikulang ang dami pang palabok, artista  ang nilalagay para mapaganda ng husto ang pelikula, dito sa Born To Love you 2 THUMBS up ako, dalwang kamay pa isama mo na pati paa. Wala akong makitang dahilan para hindi ito tumabo sa takilya. Congratulations sa lahat ng bumubuo. 

Juan Tamad


Para sa’kin the best tong pelikula na to kasi kumbaga parang librong isinulat lang ni Bob Ong eh, o mas higit pa. As in lahat ng reality na nangyayari dito sa bansa natin nasusulat na o pinakita sa pelikula na to. Isa itong pelikula na patungkol sa bansang Pilipinas at sa mga taong kumakatawan sa bansang ito. Si Juan Tamad ang bida rito na ginampanan ni Eric Quizon.  Larawan si Juan Tamad ng isang piipinong mamang, tamad at walang pakialam sa mga hindi naman niya gustong pakialaman o malaman. Simpleng tao na may simpleng kasiyahan sa buhay. Isa sa pinaka hindi ko makakalimutan dito ay yung part na kinakausap niya yung mga alimasag at inuutusan niya itong mauna na sa bahay nila dahil may gagawin pa siya. Ang dami ko talagang tawa dito. Pinakita rin sa pelikulang ito na walang hiya ang mga  nanunungkulan sa gobyerno ng bansa natin. Puro katiwalian, pagnanakaw at hindi pantay na hustisya ang pinaiiral na sa totoo lang tama naman. Ang ganda nga ng pagkakagawa ng pelikula na to, lahat ng rekado ipinakita may pagka-comedy ang dating pero totoo lang ang hinihahayag. Sobrang na-appreciate ko talaga tong movie na to walang takot na pinakita ang lahat ng katiwalian ng pamahalaan at ang nagtatanga-tangahang nakaupo sa pwesto ng gobyerno. Kahit sino pwedeng tumakbo para magkapwesto sa gobyerno at ang pinaka-matindi lahat ng kamag-anak ay magkakaroon din ng pwesto. Nakakalungkot mang isipin pero ito ang katotohan na nangyayari sa bansa natin. Tahasan ding binabanggit sa pelikulang ito ay kapag nakapwesto ka maari ka ng magnakaw at ang mga tao ay sa eleksyon nalang ulit kamustahin. Grabe talaga kaya hindi umuunlad ang Pilipinas.