Martes, Abril 24, 2012

Tanging Yaman



Tanging Yaman ay isa sa pinakamagandang pelikula ng dekada. Pelikulang naglalarawan ng isang pamilya. Isang pelikulang umantig sa puso ng mga manonood. Itinatampok dito ang ilan sa pinakamagagaling na artista ng dekada. Gloria Romero, Hilda Coronel, Dina Bonevie, Edu Manzano, Johny Delgado, Joel Torre, Cherry Pie Picache, Marvin Agustin, Jericho Rosales, CJ Ramos, Shaina Magdayao, Dominic Ochoa, Janet Mcbride at Carol Banawa sa direksyon ni Laurice Guillen. Isa ito sa nagpaiyak sa'kin eh, nung showing to hindi ko talaga pinapanood to kasi alam ko nakakaiyak, kaya lang pinalabas to sa TV ng mahal na araw wala akong nagawa kung hindi manood nung mga oras na yun. Tama nga ako iiyak lang ako kapag pinanood ko yun. Mula writers directors at actors and actress wala kang dapat itapon. halos lahat sila magagaling hindi ka mabibigo sa bawat batuhan ng linya. May moral lesson din ang pelikulang ito at siguradong matututo ang bawat manonood. Nasa reyalidad ang lahat ng eksena na hindi man nating amining lahat ng Pilipino ito ay mga totoong nagyayari sa tunay na buhay. Ang kagandahan lang talaga sa pelikula o sa mga dramang nasususulat ipinapakita kung paano ito bibigyang solusyon sa magandang paraan. Nandito yung pagasa, pagmamahal, pagkamuhi, galit na bumalot sa puso ng ilang karakter ngunit pinagbuklod pa rin ito ng panginoon. Ipinapakita dito na sa ano mang hirap at pagsubok ng buhay magiging maayos din ito basta may pananalig tayo sa diyos. Hindi sa mga artistang gumanap ang paggawa g pelikula kung hindi sa mga manonood na tatangkilik nito. Bravo sa lahat ng bumubuo ng Tanging Yaman. Pasok ka sa Top 100 list ko.

One More Chance



Siyempre hindi mawawala sa review ko tong movie na to. Isang pelikulang paulit-ulit kong pinanood at sigurado akong hindi lang ako ang umulit dito ng ilang beses. Itong pelikulang ito ang masasabi ko lang eh, super galing talaga ng pagkakagawa. Yung tipong pasok na pasok sa panlasa ng mga manonood. Nilabas to nung panahon ng marami ang broken hearted, well hindi naman nawawala sa issue yang pagiging sawi sa mga Pilipino. Ang mga linyang talaga namang bumaon at tumusok sa ating mga puso. Mga natatangging pagganap ng bawat artista at higit sa lahat ang napakagandang takbo ng istorya. Every scene is pinaghirapan talaga bawat artista humahawak sa sitwasyon at sa karakter ng ginagampanan. Hindi ako binigo ng mga artista galing sa Star Magic, kumbaga sagana sa workshop eh, halos lahat magagaling. Dito ako umiyak talaga ng todo para kay Popoy at para kay Basha. Dito pinapakita yung isang pagmamahalan na pwede palang mabago pa para lang sa may gustong alaming ibang bagay pa or para sa isang pagpipilian pang tatahakin sa buhay. Masakit ang piliin ang sarili mong mundo kaysa sa taong mahal mo, dahil lang sa gusto mong malaman ang buhay magisa, ang buhay ng wala siya at ang buhay ng hindi mo inaasa sa kanya. Ibang klase umikot ang istorya nito ibang lase din kasi ang artistang gumanap, John Lloyd Cruz at Bea Alonzo. Hindi sila pumalya sa pagpapaiyak sa mga manonood kumbaga sa rekado kumpleto na. Napakaganda rin ng naging papel dito ni Maja Salvador, saglit lang pero tumatak sa mga tao. Nagsasalita ang bawat mata ng mga artista wala pang sinasabi ramdam mo na ang ibigsabihin nito. Halos sa ulo ko na nga bawat liinya dito eh.. Ito sample Popoy: "You had me at my best, she had me at my worst" Basha: I just made a choice, Poy Popoy: And you choose to break my heart" Aww! tatagos yan eh.. At marami pang iba. Umpisa palang break up na agad eh, kaya lahat ng tao pinanood at inabangan talaga ang mangyayari sa bawat eksena. Marami ang naka-relate sa bawat scenes at higit sa lahat inaabangan ang mga linya ng bawat artista. Masasabi kong pasok ito sa aking Top 100 quality filipino movies ko.

Lunes, Abril 23, 2012

Hihintayin Kita sa Langit

Isang pelikulang pinagbibidahan ng dalawang bigating artista ng kanilang henerasyon Richard Gomez  at Dawn Zulueta. Ito ang una kong pahayag dahil isa ito sa aking mga paboritong pelikula. Hindi ko man inaabot ang kanila henerasyon inabot ko pa rin naman sila sa industriya at napapanood pa rin ang ilan sa kanilang natatanging pagganap sa kasalakuyan. Masasabi kong isang napakagandang pelikula ito mula sa mga artistang gumanap hanggang sa istoryang napakasimple ngunit nasa reyalidad na paglalarawan ng isang pagmamahal sa kapwa. Labis ko ring hinahangaan ang mga taong nasa likod ng pelikulang ito. Mula sa mga writers, directors at iba pang crew na bumuo. Isa ito sa natatanging pelikulang ng dekada na talaga namang kapag pinanood mo ay kahit sinong artista o kahit hindi artista ay magkakaroon ng matinding inspirasyon sa pagarte o sa pagpapatuloy sa buhay. Richard Gomez isa sa pinakahinahangang aktor ng kanyang henerasyon at hanggang sa henerasyon ko na may Coco Martin na ay marami pa ring humahanga sa kanya, maging ako man. Talaga naman napakagaling niya at radam mo ang kanyang pag-arte. Hindi rin niya nakakalimutan ang karakter na kanyang ginagampanan. Dawn Zulueta ay isa sa pinakamaganda aktres sa kanyang henerasyon at magpahanggang ngayon ay masasabi kong isa pa rin siya sa napakaganda at very talented na aktres sa industriya. Pinakita sa pelikulang ito ang isang walang hanggang pagmamahalan ng dalawang tao. Hindi rin makikitaan ng boring scene an pelikulang ito. Kumbaga wala kang itatapong eksena. Wagas at hindi mapapantayang pagibig ang ibinahagi dito ng dalawang magkasintahan. Sa hirap o ginhawa, sa sakit man o sa kalusugan o lupa man o sa langit. Ilan sa mga katagang binitiwan ng mga nasabing karakter. Matututo kang magmahal sa pelikulang ito. Hindi lang basta artista o istorya ang pag-gawa ng isang pelikula kung hindi ang nais at gustong mapanood ng mga manonood.