Martes, Abril 24, 2012
Tanging Yaman
Tanging Yaman ay isa sa pinakamagandang pelikula ng dekada. Pelikulang naglalarawan ng isang pamilya. Isang pelikulang umantig sa puso ng mga manonood. Itinatampok dito ang ilan sa pinakamagagaling na artista ng dekada. Gloria Romero, Hilda Coronel, Dina Bonevie, Edu Manzano, Johny Delgado, Joel Torre, Cherry Pie Picache, Marvin Agustin, Jericho Rosales, CJ Ramos, Shaina Magdayao, Dominic Ochoa, Janet Mcbride at Carol Banawa sa direksyon ni Laurice Guillen. Isa ito sa nagpaiyak sa'kin eh, nung showing to hindi ko talaga pinapanood to kasi alam ko nakakaiyak, kaya lang pinalabas to sa TV ng mahal na araw wala akong nagawa kung hindi manood nung mga oras na yun. Tama nga ako iiyak lang ako kapag pinanood ko yun. Mula writers directors at actors and actress wala kang dapat itapon. halos lahat sila magagaling hindi ka mabibigo sa bawat batuhan ng linya. May moral lesson din ang pelikulang ito at siguradong matututo ang bawat manonood. Nasa reyalidad ang lahat ng eksena na hindi man nating amining lahat ng Pilipino ito ay mga totoong nagyayari sa tunay na buhay. Ang kagandahan lang talaga sa pelikula o sa mga dramang nasususulat ipinapakita kung paano ito bibigyang solusyon sa magandang paraan. Nandito yung pagasa, pagmamahal, pagkamuhi, galit na bumalot sa puso ng ilang karakter ngunit pinagbuklod pa rin ito ng panginoon. Ipinapakita dito na sa ano mang hirap at pagsubok ng buhay magiging maayos din ito basta may pananalig tayo sa diyos. Hindi sa mga artistang gumanap ang paggawa g pelikula kung hindi sa mga manonood na tatangkilik nito. Bravo sa lahat ng bumubuo ng Tanging Yaman. Pasok ka sa Top 100 list ko.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento