Lunes, Abril 23, 2012
Hihintayin Kita sa Langit
Isang pelikulang pinagbibidahan ng dalawang bigating artista ng kanilang henerasyon Richard Gomez at Dawn Zulueta. Ito ang una kong pahayag dahil isa ito sa aking mga paboritong pelikula. Hindi ko man inaabot ang kanila henerasyon inabot ko pa rin naman sila sa industriya at napapanood pa rin ang ilan sa kanilang natatanging pagganap sa kasalakuyan. Masasabi kong isang napakagandang pelikula ito mula sa mga artistang gumanap hanggang sa istoryang napakasimple ngunit nasa reyalidad na paglalarawan ng isang pagmamahal sa kapwa. Labis ko ring hinahangaan ang mga taong nasa likod ng pelikulang ito. Mula sa mga writers, directors at iba pang crew na bumuo. Isa ito sa natatanging pelikulang ng dekada na talaga namang kapag pinanood mo ay kahit sinong artista o kahit hindi artista ay magkakaroon ng matinding inspirasyon sa pagarte o sa pagpapatuloy sa buhay. Richard Gomez isa sa pinakahinahangang aktor ng kanyang henerasyon at hanggang sa henerasyon ko na may Coco Martin na ay marami pa ring humahanga sa kanya, maging ako man. Talaga naman napakagaling niya at radam mo ang kanyang pag-arte. Hindi rin niya nakakalimutan ang karakter na kanyang ginagampanan. Dawn Zulueta ay isa sa pinakamaganda aktres sa kanyang henerasyon at magpahanggang ngayon ay masasabi kong isa pa rin siya sa napakaganda at very talented na aktres sa industriya. Pinakita sa pelikulang ito ang isang walang hanggang pagmamahalan ng dalawang tao. Hindi rin makikitaan ng boring scene an pelikulang ito. Kumbaga wala kang itatapong eksena. Wagas at hindi mapapantayang pagibig ang ibinahagi dito ng dalawang magkasintahan. Sa hirap o ginhawa, sa sakit man o sa kalusugan o lupa man o sa langit. Ilan sa mga katagang binitiwan ng mga nasabing karakter. Matututo kang magmahal sa pelikulang ito. Hindi lang basta artista o istorya ang pag-gawa ng isang pelikula kung hindi ang nais at gustong mapanood ng mga manonood.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento