Ito yung unang pelikula na wala
masyadong ginamit na computer effects para maging nakakatakot ang dating sa mga
manonood.. Ano nga ba ang basihan ng isang maganda at hindi maging katawa-tawa
ang isang horror movie sa mga manonood? Well, maging makatotohanan lang ang
lahat sa mata ng mga manood ay okay na okay na. Makatotohanan, halimbawa na
rito ay itong Corazon.. Pinagbibidahan ito
nina Erich Gonzaga at Dereck Ramsey Techie Agbayani Epic Quizon at iba
pa. Isang magandang katangian nitong pelikula na to ay yung hindi lang sila
naka-focus sa nakakatakot na senaryo ipinapakita rin dito ang wagas na
pagmamahal ng isang asawa. Si Erich isa sa pinaka-magaling at natatanging
leading lady ng kanyang henerasyon at talaga naming napakaganda niya rito sa
pelikulang ito nung sya ay isang ordinaryong tao pa lamang. Wala siyang make up
at natural na kagandahan niya ang ipinakita nya rito at dahil na rin sa setting
nito na 1940’s nabigayan niya ito ng buhay at mahusay na pagkakaganap. Hindi
rin maikakaila ang napakaganda sinematoragrapiya ng pelikulang ito na labis ko
talagang hinahangan. Hindi nakakalimutan ni Erich yung papel na ginagampanan
niya mapa-aswang man o asawa kay Derek. Derek is also good but I think masyado
siyang conscious sa sa linya at eksena niya rito. Napakagaling din ng writers
and directors ng pelikulang ito from a love story to horror hanggang sa ka-liit
liitang linya ay may kalakip na kahulugan. Hindi rin maikukumpara ang pagganap
rito ni Ms Techie Agbayani bilang isang taong luma na nawala sa tamang pagiisip
dahil sa nawala nitong anak noong panahon ng mga hapon. Ang istorya ay isang
kwento mula sa mga unang taong nanirahan sa hacienda hanggang sa naging unang
aswang ng baryo. Si Erich at Derek ay limang taon ng kasal rito ngunit hindi pa
rin sila nabibigyan ng anak. Lahat na ng paraan ay nagawa na yata ng mag-asawa
upang mabiyayaan lamang ng supling ngunit bigo pa rin sila. Hanggang sa
dumating ang isang pagkakataon at paraan na matagal na nilang ninanais. Si
Corazon ay nabuntis sa pamamagitan ng pagdadasal sa isang rebulto o santo man
ito kung tawagin na labis nilang ikinatuwang mag-asawa. Ngunit bago pa man nito
masilayan ang mundo ay hindi na ito nagtagal pa. Ito ay binawian na ng buhay sa
sinapupunan niya pa lamang. Hindi ito matanggap ni Corazon labis niya ito
ikinalungkot at nais na rin niyang ikamatay. Nagdaan pa ang mga araw ay hindi
na nakakausap ng matino si Corazon lagi na lamang niyang hawak ang bangkay nito
hanggan sa dumating ang araw ng pagkawala ni Corazon kasama ang kanyang anak. Sumumpa
siya na wala na siyang maririnig na iyak ng bata sa kanilang baryo at kasunod
nito ang pagkain sa kanyang patay na sanggol. Matapos nito sunod sunod na
kamatayan na ng mga bata ang namutawi sa kanilang baryo. Doon na nagsimula ang
pagkakaroon ng unang aswang sa kanilang baryo. Hindi rin matatawaran dito ang
pag-ibig na pinakita ni Derek kay Corazon na kahit tinutugis na ng buong bayan
ay hindi pa rin niya ito iniwan. Hindi rin nito alintana kung anong klase na ng
nilalang si Corazon basta alam lamang niya ay mahal niya ito. Hindi boring ang
pelikulang ito at masasabi kong karapat dapat irekuminda sa mga manonood. Hindi
lang basta nakakatakot isa rin syang pagpapatunay ng isang wagas na pag-ibig.
hanga ako sa katatagan ng loob ni dereck ramcey sa pelikulang ito bilang asawa ni erich gonzsales...ipinapakita lamang dito ang tunay at wagas na pagmamahal ng isang tao sa kanyang asawa at dito mrin ipinapakita ang halaga ng pagtanggap....
TumugonBurahin