Ang pelikulang ito ay isa sa
nagbibigay inspirasyon sa lahat ng mga manonood. Noong una akala ko isa itong
boring at simpleng love story ng mga teens nagkamali ako. Tungkol ito sa isang
pamilya, pangarap, pagmamahal at pagpapahalaga.Ang Way back home ay pinagbibidahan
ng dalawang baguhang aktres na may nais patunayan sa lahat. Halos nasubaybayan
ko ang paglaki nilang dalawa, mula sa Going Bulilit, Mara Clara Remake at
ngayon isang pelikulang talaga naming susukat sa galing ng indibidwal na talent
at dedikasyon sa trabaho. Pinagbibidahan ito nina Julia Montes at Katherine
Bernardo, idagdag pa natin ang mga ilan sa mahuhusay na actor at aktres ng
industriya Tonton Gutierrez, Agot Isidro at Lotlot De Leon. Isang pelikulang
umantig sa aking puso bilang isang manonood at kapatid. Ito kasing pelikulang
ito ay tungkol sa isang magkapatid na nagkahiwalay ang matagal at isang anak na
hindi na nabigyan ng pansin dahil sa pagkawala ng kanyang kapatid. Pagpapakita
ng pagmamahal ng isang anak sa isang ina ngunit hindi napapansin ng kanyang ina
dahil lagi na lamang nito dinadamdam ang pagkawala ng isa pa niyang anak. Higit
sa lahat sinisisi niya ang kanyang panganay na anak (Julia) sa pagkawala nito
(Katherine) na mahabang panahing binagbayaran ni Julia dahil sa kawalan ng atensiyon
ng kanyang ina sa kanya. Lagi na lamang nito pinagtutuunan ng pansin ang
nawawalang anak at hindi na napahahalagahan ang natira pa niyang anak. Laging
nagdadasal si Julia na makita na nila ang kanyang kapatid ng sa gayon ay maging
Masaya na ulit at mapansin na siya ulit ng kanyang mommy. Ngunit mali ang
kanyang akala, ng mahanap na ang kanyang kapatid lalo niyang naramdaman ang
kakulangan ng atensiyong ibinibigay sa kanya ng kanyang mga magulang,
especially her mom. Dito sa mga eksena na to, nakakaawa talaga si Julia. Akala
ko noon hindi magaling umarte si Julia Montes dahil ang totoo hindi talaga ako
nanonood ng Mara Clara nila pero sinubukan ko at binigyan ng pagkakataon silipin
ang kaledad ng pag-arte nito. Si Katherine naman alam ko na mahusay siya sa
drama yun nga lang hindi nawawala ang kinang ng kanyang mga mata kaya kahit
umiiyak na siya hindi mo magawang maawa ng sobra kasi parang laging naka-ngiti
ang mga mata. Siyempre bilang isang artista tungkulin niyang gawin kung anong
dapat ang hinihingi ng mga manonood. Magaling na artista naman si Katherine at
siguradong may ibibigay pa siya para sa mga manonood. Si Julia Montes sa tingin
ko lahat ng role na ibigay mo sa kanya nababagay naman. Kapag kilig moments, iyakan
moments. Masungit moment bagay sa kanya at kayang kaya niyang dalhin. Sobrang
naiyak ako sa eksena nilang dalawa ni Agot Isidro ditto, yung ramdam ko siya sa
pagarte at pagiyak. Hanga rin ako sa pagganap niya bilang isang may asawang
babae sa serye niyang Walang Hanggan, alam ko malayo pa ang mararating ng mga
batang artista na ito. Unang pelikula pa lamang naman nila at alam kong marami
pang pagkakataon at proyekto ang maibibigay sa kanila.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento