Ito na ang
bagong bagong pinagkakaguluhan sa lahat ng sinehan ngayon. Masayang Masaya
akong nagpunta sa red carpet premiere nito. Umaapaw ang mga naglalakihang
bituin ng Indusriya. Sobrang Masaya ako kasi unang pagkakataon kong pumunta ng premiere
night dahil gusto gusto ko talaga ang kalidad ng pag-arte ni Mr. Coco Martin at
dahil unang pelikula niya ito sa Mainstream ay hindi ko talaga pinalampas ang
premiere night. Hindi naman ako nabigo sa sobrang ganda ng pelikula na to.
Hindi kailangan ng maraming back up artist para mas kiligin sa mga kilig
moments, sa mga iyakan moments at sa tawanan moment. Ang Born To Love You ay
pinagbibidahan nina Coco Martin at Angeline Quinto. Ito na nga ang
kauna-unahang pelikula ng kauna-unahang STAR POWER na si Angeline bagamat
pinagdudahan ng marami ang pelikulang ito na hindi daw maganda dahil siya ang
katambal at masasayang lang daw dahil hindi kikita dahil baguhan ito sa
pag-arte NAGKAMALI ang mga nakararaming mapanghusgang mga tao at kritiko ng
indusriya. Ako man ay nagkaroon ng kaunting duda pero dahil si Coco Martin ang
gumagabay sa pagarte nito sa bawat eksena nakuha agad ang tiwala ko na maganda
ang kalalabasan ng bawat eksena. Hindi nga ako nagkamali, bawat eksena dito
wala kang itatapon, ako kasi hati yung mga emotions ko nandun yung pagtingin
kung tama ang bawat batuhan ng eksena with Coco, nandiyan yung tawa ako ng tawa
sa bawat patawa ni Angeline, malulungkot
ka dahil sa sitwasyong meron ang bawat karakter, kikiligin ka na parang
effortless lang sa dalawa yung pagpapakilig at higit sa lahat hanggang matapos
ang pelikula wala akong masabi kung hindi ang GALING ng bawat isa, not just
Coco Martin si Coco alam naman natin given na magaling iyan pero aminin ko
inaantay ko talaga yung kakaibang Coco dito sa pelikula na to at hindi naman
ako nabigo dun. Si Angeline naman ang galing galing para sa isang first timer
sa pagarte, hindi ko inaasahan lahat ng pinakita niya dito sa pelikula. HAVEY
na HAVEY kumbaga. Ito yung story ng dalawang simpleng tao na may magkaibang
istorya ng buhay. Si Angeline bilang Joey ay larawan ng isang simpleng babae na
ginagawa ang lahat para sa pamilya at minsang magdesisyon para sa sarili yun
ang magmahal, kaya naman handa niyang gawin ang lahat para sa taong minamahal.
Si Coco Martin bilang Rex galing sa isang broken family na pinilit maging
masaya ngunit hindi niya ito nakamit ng walang pagpapatawad sa mga nakasakit sa
kanya. Aside from them the other character is so good like Eula Veldez, Albert
Martinez, Kiray and Eda. Ito yung pelikulang hindi mo na kailangan lagyan pa ng
iba’t ibang magagaling at kilalang artista sa industriya kahit si Coco and
Angeline lang magandang maganda na, sa totoo lang ang buong scene ay sa
kanilang dalawa back up nalang yung family. Masaya ako para sa tagumpay nila,
hindi biro ang gumawa ng isang pelikula sabihin man ng ibang tao na common ang
story well sorry but its not. Isa sa pinakapaborito kong scene dito ay yung
“Tren Scene” nila, sobrang sweet na hindi korni parang natural na natural lang
ang eksena dito (actually halos naman super natural lang). Siyempre napakagaling
din ng director nito na si Direct Jerome Chavez Pobocan, hindi niya pinabayaan
ang dalawang bida Marami kasi akong napanood na pelikulang ang dami pang
palabok, artista ang nilalagay para
mapaganda ng husto ang pelikula, dito sa Born To Love you 2 THUMBS up ako,
dalwang kamay pa isama mo na pati paa. Wala akong makitang dahilan para hindi
ito tumabo sa takilya. Congratulations sa lahat ng bumubuo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento