Para sa’kin the best tong
pelikula na to kasi kumbaga parang librong isinulat lang ni Bob Ong eh, o mas
higit pa. As in lahat ng reality na nangyayari dito sa bansa natin nasusulat na
o pinakita sa pelikula na to. Isa itong pelikula na patungkol sa bansang
Pilipinas at sa mga taong kumakatawan sa bansang ito. Si Juan Tamad ang bida
rito na ginampanan ni Eric Quizon. Larawan si Juan Tamad ng isang piipinong
mamang, tamad at walang pakialam sa mga hindi naman niya gustong pakialaman o
malaman. Simpleng tao na may simpleng kasiyahan sa buhay. Isa sa pinaka hindi
ko makakalimutan dito ay yung part na kinakausap niya yung mga alimasag at
inuutusan niya itong mauna na sa bahay nila dahil may gagawin pa siya. Ang dami
ko talagang tawa dito. Pinakita rin sa pelikulang ito na walang hiya ang mga nanunungkulan sa gobyerno ng bansa natin.
Puro katiwalian, pagnanakaw at hindi pantay na hustisya ang pinaiiral na sa
totoo lang tama naman. Ang ganda nga ng pagkakagawa ng pelikula na to, lahat ng
rekado ipinakita may pagka-comedy ang dating pero totoo lang ang hinihahayag.
Sobrang na-appreciate ko talaga tong movie na to walang takot na pinakita ang
lahat ng katiwalian ng pamahalaan at ang nagtatanga-tangahang nakaupo sa pwesto
ng gobyerno. Kahit sino pwedeng tumakbo para magkapwesto sa gobyerno at ang
pinaka-matindi lahat ng kamag-anak ay magkakaroon din ng pwesto. Nakakalungkot
mang isipin pero ito ang katotohan na nangyayari sa bansa natin. Tahasan ding
binabanggit sa pelikulang ito ay kapag nakapwesto ka maari ka ng magnakaw at
ang mga tao ay sa eleksyon nalang ulit kamustahin. Grabe talaga kaya hindi
umuunlad ang Pilipinas.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento